Sabado, Agosto 10, 2019

K-12 Downloads

                                                     
          

            Kumusta mga kaguruan? Ako ay muling nagbabalik. Marami akong pinagdaanan bago muli ako makabalik sa aking pagba-blog. Akala ko makakalimutan ko na kung paano ito gawin ngunit hindi pala. Ngayon, ako ay nagtatrabaho na sa pampublikong paaralan. Pero tulad din ng iba, hindi ako pinalad na mapunta sa kung saan nga ba ako dapat at iyon nga ang magturo ng Araling Panlipunan. Kaysa sa tumanggi ako tinanggap ko na lamang kaysa sa wala. Mag-iisang taon na pala ako sa pampubikong paaralan. Inaamin kong na-culture shock ako dahil ibang-iba ang naging karanasan ko sa aking naunang trabaho bilang isang guro sa pampribadong paaralan. Pero, gayunpaman nagpapasalamat ako dahil ang matagal ko nang inaasam-asam ay ibinigay na sa akin ng Poong Maykapal <3

            Susubukan kong ilagay rito ang mga nagawa kong teaching materials, examination materials etc. upang makatulong rin sa inyo.
       

I. FILIPINO - (Go to this link)
II. ARALING PANLIPUNAN - (Go to this link)
III. MAPEH -
         3rd Periodical TestT57j4H_vsNiprDKNQE5MoFAgWmRfFPHxHDgQNh9swyc 
         Asian Theatre - ndHOuSQ-9VzyHJg7mBxjnktJ_HxcQLlBP53jicCBKH8
SLIDESHARE - (Go to this link)


Hindi man ako makakapagturo ng Araling Panlipunan sa ngayon pero sana sa nalalapit na mga araw ay bigyan ako ng pagkakataong makapagturo ng kung ano nga ba talaga ang first love ko :) 

Pray for me~ Thanks.


Biyernes, Marso 9, 2018

EPP Grade 6 - Unit Test, Ikaapat na Markahan

EPP 6 Unit Test
(Sample Test)

To download the file -> click this link and put this description key: %21nnqou5twylnitrzgphqlbkgqvdrv_x8wrz6uyuxabiw/
Note: Do not erase/change the layout, file and watermark.

Linggo, Enero 28, 2018

Renaissance





Ano nga ba ang naging bunga ng pagkakaroon ng renaissance sa ating buhay na hanggang ngayon ay natatamasa pa rin natin? Naging maganda ba ito o isa rin itong naging dahilan ng pagbagsak ng ating kasaysayan? Tunghayan sa powerpoint presentation na ito ang mga ilang kasagutan - i-click ito upang ma-direct sa presentation nasa disclaimer ng post na ito ang description key upang madownload mo ang powerpoint presentation.



Disclaimer: Ang mga larawan na ginamit sa slides ay hindi ko pagmamay-ari. Ang mga impormasyon ay kinuha ko sa libro at internet. Maaaring kulang o di kaya may kaunting mali sa aking powerpoint presentation upang malaman ko kung mayroon mang mali ipagbigay alam ninyo sa akin ang mga ito upang mabago ko. Ginawa ko ito upang kahit papaano ay makatulong sa mga mag-aaral at ilang kaguruan sa Pilipinas. Maraming salamat!
note: Huwag aangkinin bilang pagmamay-ari ang powerpoint presentation ko. Oras at panahon ang aking iginugol upang magawa ito. MEGA description key: !aEH3h8yjvBH_rsuxT1nlaPjsHutLYswzClKfj_6o8DU

Martes, Oktubre 17, 2017

Pamilihan


Ang Pamilihan
          Isang lugar kung saan nagtatagpo ang mga mamimili at nagtitinda.

PAMILIHANG MAY GANAP NA KOMPETISYON
            Uri ng pamilihan na may malaking bilang ng mga mamimili at mga negosyante na walang sinuman ang makapagdidikta ng presyo.

PAMILIHANG WALANG GANAP NA KOMPETISYON
          Kabaliktaran ng may ganap na kompetisyon.

1. Monopolyo
                - Mayroong nag-iisang prodyuser o negosyante.
2. Oligopolyo
          - Kaunti lamang ang bahay-kalakal sa pamilihang oligopolyo at ang kalakaran sa negosyo ay sadyang nangangailangan ng estratehikong pag-iisip. Ito ay binubuo ng iilan subalit mga naglalakihang kumpanyang may malawak na kontrol sa pamilihan.

Monopolistikong Kompetisyon
          - Ito ay may katangian ng isang monopolyo at bahay-kalakal sa isang pamilihan na may ganap na kompetisyon. Ito ay isang uri ng pamilihang may malaking bilang ng mga prodyuser ng may pinag-ibang mga produkto.


KLF|aralingpanlipunan0409

Sabado, Oktubre 7, 2017

Migrasyon (Worksheet)

Panuto: Tukuyin ang mga inalalarawan ng mga pahayag sa bawat bilang. (10 Puntos)

_____1. Tawag sa mga kasaluhuyang nagtatrabaho sa ibang bansa.
_____2. Ito ay tawag sa pagkaubos ng mahuhusay at bihasang manggagawa sa bansa.
_____3. Ito ay tawag sa mga OFW na nakatapos ng propesyon sa bansa ngunit hindi nila nagagamit pagdating sa ibang bansa ang kanilang mga kasanayan.
_____4. Ang organisasyong ito ay isang NGO na anglalayong tulungan ang mga OFW.
_____5. Ang perang ipinadadala ng mga OFW sa bansa mula sa bansa kung saan sila nagtatrabaho.
_____6. Nangangahulugan sa pagbibigay ng awa o patawad.
_____7. Batas na naglalayong protektahan ang mga OFW sa ibang bansa.
_____8. Ang pagkilos ng mga tao mula sa isang lugar patungo sa isa pang lugar.
_____9. Ang tawag dati sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.
_____10. Iba pang katawagan sa batas na RA 8042.

[message me for the answer] ❤

Biyernes, Setyembre 22, 2017

Diskriminasyon

Diskriminasyon
       Ang hindi patas o pantay na pagturing sa tao dahil lamang sa kanilang pagkakaiba, uri, edad, lahi, pangkat-etniko, at kasarian.

Uri   ng   Diskriminasyon
1. Pambu-bully
2. Diskriminasyon sa Trabaho
3. Diskriminasyon sa Politika
4. Diskriminasyon sa Tahanan
5. Hindi pantay na karapatan

MAPEH - Daily Lesson Log (DLL)

Note:             The DLLs that I provided for you are not my own DLL I just downloaded it somewhere. So be aware that sharing some file...

Kawaii Panda.cur Cursor